Kinumpirma ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pasok pa rin sa kanilang target ang naitalang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre
Inihayag ito ng NEDA makaraang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2.3% na headline inflation sa nakalipas na buwan
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, patuloy ang kanilang pagsisikap na patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para protektahan ang consumers sa hindi inaasahang pagsipa nito.
Sa kabilang dako, naging hamon aniya sa presyo at suplay ng pagkain ang naging epekto ng Bagyong Kristine.
Gayunman, hindi aniya tumigil ang pamahalaan sa pagpapanatili sa sapat na suplay at matatag na presyo ng pagkain at iba pang produkto.
Nakabantay naman ang NEDA sa galaw ng Bagyong Marce sa bansa.