Ininspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tatlong supermarket sa lungsod ng Makati.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, pasok sa Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa naturang pamilihan at may ilang produkto pa nga ang nakita nilang mas mura ng hanggang dalawang piso.
Aniya, walang dahilan para magtaas ng presyo ang marami sa mga produkto dahil ang imbentaryo ng DTI ay noong bago pa sumiklab ang giyera sa Ukraine.
Dagdag pa ni Castelo na kung may paggalaw man sa presyo ng pangunahing bilihin ay dapat nakabatay ito sa panibagong SRP.
Samantala, pinaalalahan naman ng DTI ang mga supermarket na itinatakda ng batas ang paglalagay ng price tag o presyo sa mga paninda.
Facebook Comments