Presyo ng mga pangunahing bilihin, stable sa kabila ng pananalasa ng bagyo

89

Tiniyak ng Palasyo na walang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – mahigpit na nagbabantay ang Department of Trade and Industry (DTI) para masigurong nasusunod ang suggested retail price.


Umapela si Roque sa mga nagtitinda na huwag samantalahin ang sitwasyon.

Nakiusap din aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na magbayanihan sa panahon ngayon ng sakuna.

Facebook Comments