
Inaasahang wala nang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke ngayong nalalapit na Kapaskuhan.
Iyan ang inihayag ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra matapos ang isinagawang inspeksyon ng Department of Agriculture (DA) kaninang umaga sa Balintawak Cloverleaf Market.
Ayon kay Guevarra, karamihan kasi sa mga itinitindang produkto sa merkado ay maituturing na highly perishable.
Dagdag pa niya na sa mga araw na ito ay oras de peligro na kung saan nagsisimula nang mamili ang ating mga kababayan para sa kanilang ihahandang noche buena.
Samantala, binanggit din ni Guevarra ang isa sa mga proyekto ng DA na magkaroon ng malakihang food hubs upang ma-centralize ang presyo ng ibinibentang produkto sa mga merkado.
Facebook Comments









