Presyo ng mga pangunahing bilihin, tiniyak ng DTI na hindi gagalaw kahit pa tumaas ang inflation rate.

Walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Tiniyak ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa harap nang pagtaas ng inflation rate nang hanggang 6.4% nitong buwan ng July mula 6.1% nang nakalipas na June.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na existing ang May 11, 2022 Suggested Retail Price (SRP) Bulletin.


Ibig sabihin aniya, hindi maaring magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin pero maaaring mas bumaba pa ang presyo mula sa SRP bulletin.

Giit ni Castelo, hangga’t hindi sila naglalabas ng panibagong bulletin ay walang magbabago sa mga presyo.

Tiniyak ni Castelo na tuloy ang kanilang enforcement sa mga supermarkets at groceries na hindi sumusunod sa SRP bulletin.

Nilinaw ni Castelo na hindi sakop ng SRP bulletin ang mga convenience store, mga maliliit na tindahan at sari-sari stores.

Kaya payo ni Castelo sa mga supermarket at groceries mamili para makatipid.

Facebook Comments