Presyo ng mga pangunahing bilihin, tumaas na

Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry o DTI at Department of Agriculture (DA) sa ilang pamilihan sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kung saan isa rito ay ang pagpalo ng presyo ng isdang galunggong sa 300-pesos.

Partikular na inispeksyon ng DA at DTI ang Muñoz Market kung saan napansin na bahagyang tumaas ng sampu hanggang 30-pesos ang presyo ng mga gulay, baboy, isda at bigas.


Ayon kay DA Secretary William Dar – aminado itong tumataas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa demand ngayong Kapaskuhan.

Nakaapekto naman sa pagtaas ang ipinatupad na three months closed fishing ban sa Zamboanga Peninsula noong December 1 ay pananalasa ng bagyong Tisoy.

Facebook Comments