PRESYO NG MGA PANGUNAHING BINIBILI NG MGA MAMIMILI SA PALENGKE SA DAGUPAN CITY, ALAMIN

Kung mamamalengke kayo, ngayon ang tamang oras para malaman mo kung meron nga bang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing binibili ninyo sa palengke partikular na sa Malimgas market.
Una na diyan ang isdang bangus kung saan nasa 220 per kilo depende sa klase, ayon sa mga nagtitinda, sa ngayon tumaas ng bente pesos ang presyo.
Kung ang gusto niyo naman ay isdang tilapia, sa ngayon ay nasa 170 pesos per kilo ito sa magsaysay market na nadagdagan rin ng 20 pesos ang taas.

Ayon sa mga nagtitinda, mababa ang supply nila ngayon ng isda kaya tataas talaga ang presyo.
Hinala nila, naaapektuhan kasi ng init ng panahon ang paglaki ng mga isda lalo at unti unti ng nararamdaman ang el nino.
Dumako naman tayo sa presyo ng manok kung saan wala rin umanong paggalaw sa presyo nito bukod sa mataas parin gaya na lamang sa pwesto ni kuya william na ang presyo ng manok ay dati 160 pesos per kilo, ngayon ay nasa 180 pesos dahil ang kuha nilang mga nagbebenta ay nasa 170 per kilo kaya sampung piso lamang ang kanilang tinutubo.
At sa presyo naman ng itlog, nanatili pa rin ang presyo nito na nasa starting ng 5 pesos hanggang 8.20 pesos depende sa klase. |ifmnews
Facebook Comments