PRESYO NG MGA PANGUNAHING KARNE SA PANGASINAN, TUMAAS

Nagsimula nang gumalaw pataas ang presyo ng mga pangunahing karne sa iba’t ibang pamilihan sa Pangasinan dahil sa pagsapit ng holiday season ngayon taon.

Hindi na bago sa ilang residente na nagkakaroon ng taas-babang presyo ang mga pangunahing karne gaya ng karne ng manok, baboy at baka kung saan ang presyo ng manok dati ay nasa P190 lang ngayon nasa P200 na.

Ang ibang tindera naman ng karne ng baboy at baka, may ilang mga nagtaas ng presyo ng P5 hanggang P10 dahil sa mahal na rin umano ng kanilang pag-angkat ng mga karne sa mga suppliers ngunit ang ilan naman ay hindi na nagpatong pa dagdag presyo dahil naiintindihan umano nila ang mga mamimili at dahil na rin sa pagtaas ng ilang presyo ng ilang mga bilihin.

Ayon naman sa ilang nagtitinda, makakakuha pa rin naman daw sila ng kaunting tawad depende sa pakiusap at depende na rin sa dami ng bibilhin.

Kumento naman ng ilang mamimili na wala umano silang magagawa kung nagkaroon ng paggalaw ng presyo dahil alam naman din nila ang hirap ng mga nagbebenta.

Samantala, kadalasang ginagamit ang mga karne bilang sahog sa isang putahe o kadalasang nagiging handa sa mga okasyon at sa mga pang-araw araw na ulam ng mga Pangasinense. |ifmnews

Facebook Comments