Presyo ng mga produktong pang-Media Noche, hindi tataas hanggang December 31, 2023 ayon sa DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang taas-presyo sa mga produktong pang-Media Noche hanggang sa December 31, 2023.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Atty. Amanda Nograles, Assistant Secretary ng Consumer Protection Group ng Department of Trade and Industry o DTI na may commitment ang mga manufacturer at retailers na mananatili ang presyo ng pang-Media Noche hanggang December 31, 2023

Pero inamin ni Nograles na nitong nakaraang linggo ay nakatanggap sila ng ulat na may mga retailer ang nagbenta ng pang-Noche Buena na lampas sa price guide.


Agad aniyang ipinatawag ang manufacturers at retailers at muli ay tiniyak na hindi magtataas ng presyo para sa mga produktong pang-Media Noche.

Siniguro naman ng DTI na patuloy ang kanilang pagbabantay sa presyo lalo na ngayong holiday season.

Wala naman aniya silang nahuhuling manufacturers at retailers na hindi sumusunod sa price guide.

Facebook Comments