
Hindi kabilang sa price adjustment ng mga produktong petrolyo ang mga lugar nasa ilalim ng state of calamity.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ito’y kahit pa nag-anunsyo na ng dagdag-bawas ang ilang oil companies sa kanilang mga produkto ay tatalima sila sa presyo na ipinatupad naman ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni DOE Assistant Director Rodela Romero na may mga lugar kasi ang talagang tinamaan at sinalanta ng nagdaang bagyo maging itong southwest monsoon o habagat.
Epektibo ang price freeze sa Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, National Capital Region, Negros Occidental, Oriental Mindoro, Pangasinan, and Rizal.
Kasama sa may 15–day price freeze ang LPG na 11 kilograms, diesel, kerosene at gasolina.
Sa ngayon ay bumaba ng P0.10 kada litro ang presyo ng gasolina habang tumaas naman ng P0.60 ang kada litro ng diesel at P0.30 para sa presyo naman ng kerosene.
Ang price adjustment ay dahil pa rin sa pagbaba ng crude inventory ng United States at ang nagpapatuloy pa rin na sigalot sa pagitan ng Iran at Israel.









