Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tataas mamayang hatinggabi

Nag-abiso ang ilang kumpanya ng langis hinggil sa pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo mamayang hatinggabi.

Sa abiso ng Shell Corporation at SeaOil, P0.40 ang itataas sa gasolina kada litro, P0.70 sa kerosene at P0.60 sa diesel.

P0.60 din ang itataas ng Petrogazz sa diesel at P0.40 sa gasoline.


Ang Clean Fuel naman ay P0.35 sa gasolina at P0.50 sa diesel.

Habang ang Caltex ay magtataas ng P0.40 sa Platinum, P0.40 sa Silver, P0.60-centavos sa Diesel at P0.70 sa kerosene.

Facebook Comments