Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas sa susunod na linggo

Asahan ang malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa unang apat na araw ng trading, piso at otsenta sentimos hanggang dalawang piso ang posibleng itaas sa presyo ng diesel.

Habang piso at singkwenta sentimos hanggang piso at sitenta sentimos naman sa gasolina at kerosene.


Tiyak na ang oil price hike sa martes pero maaari pang mabago ang halaga ng itataas depende sa resulta ng huling trading day.

Ayon sa Department of Energy, ang taas-presyo ay bunsod ng pagtaas ng demand sa kabila ng planadong pagbabawas ng suplay ng pinakamalalaking oil exporter sa mundo.

Facebook Comments