Presyo ng mga school supplies sa merkado, pinababantayan ng DepEd sa DTI

Inutos ng Department of Education (DepEd) sa Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan ang presyo ng mga school supplies sa merkado.

Ito ay kasunod ng pagsisimula ng pasukan sa Agosto 22.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Micheal Poa, nakikipag-ugnayan na sila sa DTI upang makasiguro na walang mananamantala sa presyo ng school supplies tulad ng notebook, papel, ballpen, bag at school uniform.


Kasunod nito, humiling din ang nasabing ahensya sa DTI na maglabas ng listahan ng Suggested Retail Price (SRP) upang magkaroon ng gabay ang ilang mamimili sa pagbili.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pakikipag-koordinasyon ng DepEd sa DTI para masiguro na walang lalabag at mananamantala sa nalalapit na pasukan.

Facebook Comments