Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nananatili sa P27 ang kada kilo ng NFA rice.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, sapat naman kasi ang supply ng bigas sa bansa.
Nabibili rin aniya sa murang halaga ang mga lokal na palay kaya hindi tumataas ang presyo ng NFA rice.
Batay naman sa pagtaya ng Department of Trade and Industry o DTI, inaaasahang bababa pa ang presyo ng bigas sa oras na pumasok na ang mga inangkat na bigas bunsod ng rice tariffication law.
Facebook Comments