Presyo ng NFA rice sa mga retailer at ahensya ng gobyerno, binabaan pa!

Magbebenta na rin ang Department of Agriculture (DA) ng NFA rice sa mga ahensya ng gobyerno at accredited resellers.

Ang good news pa rito, mabibili ito ng mga retailers sa mas mababang halaga.

Ayon kay DA Secretary William Dar – sa halip na P25 kada kilo, ibebenta nila ito ng P23 kada kilo.


Gayunman, mananatiling P27 per kilo ang market price nito.

Ayon kay Dar – layon nito na mas mabilis mabenta ang NFA rice kung saan mabibigyan din ng mas malaking tubo ang mga retailers.

Pwede rin naman aniyang babaan ng mga retailers ang benta nila sa NFA rice basta at hindi lalampas sa ceiling price na P27.

Nito pang Biyernes nang ipatupad ang bagong presyo.

Facebook Comments