PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS AT IBA PANG PRIME COMMODITIES SA ILOCOS REGION NANATILING STABLE

Apat na araw bago ang kapaskuhan tuloy-tuloy ang isinasagawang monitoring ng Department of Trade and Industry sa mga establisyimento sa Ilocos Region sa presyo ng ilang produktong pang Noche Buena at ilang prime commodities.

Ayon kay DTI Regional Director, Grace Falgui Baluyan, wala pang nakikitang pagtaas sa presyo ng produktong pang noche buena gaya ng ham, queso de bola, cheese, macaroni, mayonnaise, suplay ng pasta, pasta sauce at kabilang na ilang pangunahing bilihin.

Aniya, maliban sa monitoring ng presyo ng mga nasabing produkto ay sinisigurado ng ahensya na mayroong sapat na access ang publiko sa mga produktong kakailanganin ngayong holiday season.


Sa ngayon, wala pang establisyemento sa rehiyon ang nahainan ng Notice of violation dahil sa overpricing ng mga produkto. | ifmnews

Facebook Comments