Tiniyak ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na hindi gagalaw hanggang sa matapos ang kapaskuhan ang presyo ng Noche Buena Products.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, ang Suggested Retail Price na itinakda nitong Oktubre ay hindi gagalaw hanggang sa matapos ang pasko.
Payo ni Castelo, bumili sa mga malalaking supermarkets.
Lumabas din aniya sa kanilang inspeksyon sa ilang supermarkets na mas mura ng piso hanggang apat na piso ang individual Noche Buena Products kumpara sa SRP.
Paniniguro rin ng ahensya na sapat ang supply ng Noche Buena Products para sa mga mamimili.
Aminado naman ang DTI na may mga manufacturer ang humihiling ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto na hindi kabilang sa mga Noche Buena Products.
Tugon ng DTI, maglalabas sila ng bagong SRP sa susunod na taon.