Presyo ng palay, bumaba

Bumaba ang presyo ng palay sa bansa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa unang linggo ng Hulyo bumaba na sa 17.3% o ₱17.78 kada kilo ang farmgate price ng palay mula sa dating ₱21.50 per kilo sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Sa wholesale trade, ang average price ng well milled rice ay bahagyang bumaba sa 39.26 pesos per kilo habang nasa ₱35.40 bawat kilo ang regular milled rice.


Sa retail trade, nasa ₱42.81 per kilo ang presyo ng well milled rice at ₱38.51 kapag regular milled.

Upang maprotektahan ang mga magsasaka sa pagbagsak ng presyo ng palay, hinimok ng Philippine Chamber of Agriculture & Food Inc. (PCAFI) ang gobyerno na ipatupad ang safeguard measure sa ilalim ng rice tariffication law.

Facebook Comments