Sumadsad na sa pinakamababang halaga sa nakalipas na walong taon ang Presyo ng Palay.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na lamang sa ₱15.53 kada Kilo ang average farmgate price ng palay sa bansa nitong October 25.
Mababa ito kumpara sa ₱21.23 kada Kilo noong 2018.
Ayon kay Dept. of Agriculture Rice Program Consultant Valentino Perdido, mayroong ilang lugar sa bansa na nasa higit 10 Piso na lamang ang Kilo ng palay.
Pangamba ng ilang magsasaka, may nagmamanipula ng presyuhan.
Kasunod ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law, patuloy na bababa ang presyo ng palay habang lumobo naman ang supply ng imported rice sa merkado.
Facebook Comments