Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na unti-unti nang babalik sa normal ang presyo ng palay sa mga probinsya matapos na umano’y malugi ang mga magsasaka dahil sa Rice Tariffication Law.
Katunayan, ayon kay DA Secretary William Dar, nasa ₱15 kada kilo na ang farm gate price ng palay.
Limang piso itong mas mataas ito kumpara sa ₱10 kada kilo na gastos sa produksyon.
Umaasa rin si Dar na mas bubuti ang implementasyon ng gobyerno sa Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).
Ito ay ang pondong nakokolekta mula sa buwis ng mga imported na bigas na inilalaan ng pamahalaan sa pagpapataas ng ani at kita ng mga lokal na magsasaka.
Facebook Comments