Nanawagan ang Associated Labor Unions (ALU) sa Department of Agriculture (DA) at sa Department of Trade and Industry (DTI) na ibaba ang presyo ng basic commodities sa resonableng lebel sa lalong madaling panahon.
Ayon sa grupo, ang mga manggagawa lalo na ang mga tumatanggap lamang ng minimum wage ay nabibigatan sa mataas na presyo ng basic food items sa gitna ng national health crisis.
Ang mga basic at prime commodities na tinukoy ng ALU ay bigas, gulay, meat, poultry products, mantika at Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Anila, tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin noong holiday season sa kabila ng 60-day price freeze.
Dapat kumilos ang DA at DTI bukod sa market inspections at iba pang media photo-ops sa mga groceries at supermarkets para maitaguyod ang consumer protection sa pamamagitan ng paglalabas ng show cause orders laban sa mga negosyong nanamantala ngayong pandemya.