Tututukan ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa oras na isailalim ang buong Luzon sa state of calamity.
Sa tulong ng iba pang ahensya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG), titiyakin nilang walang magaganap na pagtaas ng presyo ng bigas, gulay at karne.
Kasabay nito, nagbabala ang ahensya na maaaring makasuhan ang mga negosyanteng hindi susunod sa kanilang ipapatupad na price freeze at magho-hoard ng mga pangunahing produkto.
Facebook Comments