Bocaue, Bulacan – Tumaas ng 10 hanggang 15 porsyento ang presyo ng iba’t ibang paputok sa Bocaue, Bulacan partikular ang mga pailaw at fountain.
Pumapatak na sa ₱50 hanggang ₱60 ang bawat isang pailaw kumpara sa ₱100 halaga sa kada tatlong piraso nito noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association Inc. – bunsod ito ng limitadong suplay ng mga paputok ngayong taon dahil sa regulasyon sa paggawa ng paputok sa bansa.
Nagkaroon pa ng pagkaantala at kakulangan sa mga kailangang kemikal dahil sa mga guideline at pronouncement.
Sinabi ng business permits and licensing office ng Bocaue, Bulacan na nabawasan ang mga bilang ng mga manufacturer na nag-apply ngayong taon.
Malaking epekto ang inilabas na Executive Order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pag-regulate sa paggamit ng mga paputok sa bansa.