Presyo ng paputok sa Bocaue, Bulacan tumaas na; bentahan nito, matumal ayon sa mga nagtitinda

Sa panayam ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Police Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga tindera ng paputok sa Bocaue Bulacan, sinabi nila na tumaas ang presyo ng mga paputok ngayong taon.

Ito ay dahil na rin sa pagtaas umano ng mga materyales na ginamit sa paggawa ng mga ito.

Halimbawa nito ang mga klase ng paputok na nagre-range ngayon ng nasa 1000+ na dating mga nasa P650 lamang.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo ay malungkot pa sa ngayon ang bentahan ng mga paputok kumpara noon nakaraang taon dahil na rin sa kompetensya at pati na rin sa maulang panahon.

Gayunpaman, ayon pa sa mga nagtitinda na pwede pang magbago ang presyo ng mga nasabing paputok lalo sa araw mismo ng Pasko at Bagong Taon.

Samantala , patuloy naman ang pakikipag-coordinate ng PNP sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Fire and Protection (BFP), at Department of Trade and Industry (DTI) para matiyak ang ligtas na bentahan ngayong papalapit na ang mga nasabing okasyon.

Habang pinaiigting naman ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ang operasyon nito laban sa mga ilegal na nagbebenta ng paputok online.

Facebook Comments