Bumaba sa 32 pesos ang kada kilo ng patatas sa pampublikong pamilihan ng Mangaldan.
Ayon sa ilang tindera ng gulay, bumaba pa ang kuha nila ng kada bundle ng nasabing produkto sa kanilang mga pinagkukunan ng suplay.
Mula sa 40 pesos kada kilo nito noong nakaraan ay bumaba ito ng halos sampung piso kaya naman ang ilan sa konsyumer, sinulit rin ang pagkakataon para makapamili ng mura.
Habang ang ilan sa gulay, bahagya rin nagkaroon ng pagbaba katulad sa repolyo na nasa 35 pesos, repolyo na nasa 40 pesos, habang ang carrot at celery naman ay nasa 150 pesos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









