Presyo ng petrolyo, matatapyasan sa susunod na linggo

May rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, April 2.

 

Ito’y matapos ang pitong linggong magkakasunod na oil price hike simula noong Enero.

 

Maglalaro sa P0.40 hanggang P0.60 ang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.05 hanggang P0.10 naman sa diesel.


 

Matatapyasan din ng P0.10 hanggang P0.20 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

 

Ayon sa Department Of Energy (DOE) ang price adjustment ay dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments