Magpapatupad ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa darating na linggo.
Bunsod ito ng pagbabawas sa produksyon ng langis sa buong mundo.
Maglalaro sa ₱2 hanggang ₱2.20 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina habang ₱1.80 hanggang ₱2 naman sa diesel.
Asahan din ang ₱1.20 hanggang ₱1.30 taas-singil sa kerosene.
Bukod sa pagsipa ng presyo ng imported na petrolyo, may 10% din na dagdag sa import duty simula noong nakaraang linggo.
Naglalaro sa ₱1.20 hanggang ₱1.40 kada litro ang inaasahang taas-presyo sa diesel, kerosene at gasolina dahil sa import duty.
Facebook Comments