Presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal, hindi na gagalaw hanggang kapaskuhan ayon sa grupo ng mga panadero

Hindi na tataas pa ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ngayong Kapaskuhan.

Ito ang tiniyak sa interview ng RMN Manila ni Lucito Chavez, presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino sa harap ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap sa paggawa nito.

Ayon kay Chavez, ang kanilang committment na hindi gagalaw ang presyo ng Pinoy Tasty na ₱40 at isang balot ng Pinoy Pandesal na ₱25 ay bahagi ng social responsibility ng mga panadero sa pamilyang Pilipino.


Sa kabila nito, sinabi ni Chavez na posible namang tumaas ang presyo ng ibang uri ng tinapay, pastries at cakes.

Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng raw materials sa paggawa nito tulad ng asukal at itlog kung saan nakadagdag pa ang pagmahal ng operating expenses ng mga manufacturer.

Facebook Comments