Presyo ng processed meat, posibleng tumaas!

Posibleng tumaas ang presyo ng processed meat products sa mga pamilihan kasunod ng hiling ng mga manufacturer nito.

Ayon sa Philippine Association of Meat Processors Inc, (PAMPI) Vice President Jerome Ong, nasa P1.50 hanggang P2.00 kada 150-gram can ang inihihirit nilang dagdag presyo sa Department of Trade and Industry (DTI).

Kabilang sa mga posibleng maapektuhan ay hotdog, sausage, meatloaf, longganisa, at iba pang mga produkto.


Aniya, tumaas kasi ang inaangkat nilang mechanically deboned meat na ginagamit sa paggawa nito at dumagdag din ang paghina ng piso kontra dolya at ang nagpaaptuloy na tensyon sa pagitan ng Russa at Ukraine.

Dagdag pa ni Ong, dapat aniya ay P3 hanggang P4 ang i-aapela nilang taas-presyo, pero dahil nakikiisa sila sa DTI na makapagbenta ng delata sa mas mababang halaga ay pumayag silang babaan ito.

Samantala, sinabi naman ng DTI na pinag-aaralan nilang mabuti ang mga hirit na taas-presyo lalo pa’t inaaasahang tataas ang demand nito sa nalalapit na holiday season.

Facebook Comments