Heads up sa mga motorista!
Asahan na tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo partikular na sa presyo ng kerosene at diesel.
Ayon kay Department of Energy Oil Industry Bureau Assistant Director Rodela Romero, magtataas ng P.20 hanggang P.40 ang kada litro ng diesel habang tataas naman ang presyo ng kerosene sa P.35 hanggang P.50 kada litro.
Aniya, ilan sa mga rason ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ay ang pagbaba ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) gayundin ang pagtaas ng mga lingguhang imbentaryo ng krudo ng U.S.
Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay mananatiling mababa ng P.10 kada litro.
Facebook Comments