Presyo ng produktong petrolyo, may rollback sa susunod na linggo

Good news sa mga motorist, sa wakas ay may nakaambang bawas presyo sa langis sa susunod na linggo.

Ito ay matapos na rin ang dalawang buwang sunod-sunod na taas presyo sa Produktong Petrolyo.

Batay sa oil price monitoring, naglalaro sa P1.10 hanggang P1.20 ang posibleng ibaba sa presyo ng kada litro ng Gasolina at P0.60 hanggang P0.70 naman ang sa kada litro ng Diesel.


Nasa P0.65 hanggang P0.75 ang rollback sa Kerosene.

Facebook Comments