Manila, Philippines – Asahan ang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Nasa P1.20 hangang P1.30 kada litro ang iaakyat ng presyo ng diesel habang maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang dagdag sa presyo ng kerosene.
Samantala, sa ikawalong pagkakataon, magtataas sa P0.30 hanggang P0.40 naman kada litro ang presyo ng gasolina .
Nauna nang nag-anunsiyo ang ilang mga kumpanya ng langis sa pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene noong Martes.
Ayon sa ng grupong laban konsyumer, posbileng naaapektuhan ang presyo ng langis dahil sa mahinang palitan ng piso kontra dolyar at ang paghagupit ng bagyong Harvey sa oil-producing state na Texas sa Amerika.
Facebook Comments