Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas

Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang magiging dagdag sa presyo sa gasolina.

Sa diesel naman, tinatayang P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang itataas sa presyo.


Habang nasa P0.70 hanggang P0.80 kada litro naman ang imamahal ng kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng lahat ng produktong petrolyo.

Facebook Comments