Presyo ng produktong petrolyo, naka-ambang tumaas

Manila, Philippines – Nakaambang na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa ulat, maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 ang itataas sa kada litro ng diesel.

Nasa P0.20 hanggang P0.30 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.


Ang nasabing oil price hike ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo sa world market.

Facebook Comments