Manila, Philippines – Nakaambang tumaas pa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa presyuhan ng langis sa world market, nagmahal ng P1.80 ang kada litro ng imported na diesel habang P1.20 naman ang iminahal ng imported na gasolina.
Tumaas din ng P1.50 ang kada litro ng kerosene sa pandaigdigang merkado.
Maaari pa itong mabago depende sa pagsasara ng trading ngayong araw.
Facebook Comments