Presyo ng produktong petrolyo, nakaamba na namang tumaas sa susunod na linggo

Naka-amba na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinatayang nasa higit ₱2 ang posibleng idagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang nasa ₱0.60 hanggang ₱0.90 naman ang dagdag sa presyo sa kada litro ng gasolina.

Una nang binanggit ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na ito ay dahil sa desisyon ng Organization of the Petroleum Countries (OPEC) na bawasan ng dalawang milyong bariles kada araw ang kanilang produksyon ng langis dahil sa pagbaba ng presyo nito kasunod ng pagtaas ng interest rate sa Estados Unidos.


Samantala, posible pang magbago ang halaga ng taas presyo, depende sa magiging presyuhan nito sa World Market.

Facebook Comments