Hindi inaalis ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na muli na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOE Usec. Gerardo Erguiza Jr., na base kasi sa trend kahapon, lumabas sa global market price na may bahagyang pagtaas sa presyo.
Kapag nasabayan aniya ito ng pagtaas muli ng halaga ng dolyar, asahan aniyang may maitatalang panibagong oil price hike.
Ayon kay Erguiza, nitong nakalipas na linggo, naobserbahan nila ang pagbaba ng presyo.
Pero may iba pa aniyang factors na tinitingnan kung bakit ito tumaas ngayon, kabilang dito tumaas na halaga ng dolyar, nagkakaroon din ng pagtaas sa premium o halaga ng freight, nagdagdag din ng presyo ang mga trader at meron ding tinatawag na ocean loss o pagsingaw ng mga produktong petrolyo.