Presyo ng produktong petrolyo, nakaambang sumirit

Manila, Philippines – Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa ikaanim na sunod na linggo, magmamahal ulit ang presyo ng kada-litro ng gasolina na maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35.

Dahil dito, umabot na sa P2.45 ang itinaas na presyo ng gasolina simula noong July 25.


Tataas din ang presyo ng diesel ng P0.20 hanggang P0.30 kada-litro habang P0.15 hanggang P0.20 naman sa kerosene.

Ang nasabing oil price hike ay epekto pa rin ng paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

Facebook Comments