Presyo ng produktong petrolyo, nakaambang tumaas sa susunod na linggo!

Matapos ang pitong linggong sunod-sunod na rollback, nakaamba na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, tinatayang nasa higit P2.00 ang posibleng dadag-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene, habang nasa P0.25 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Paliwanag ng ahensya, lumaki ang pagbaba sa imbentaryo ng krudo ng United States habang ramdam pa rin ang kakulangan sa suplay ng petrolyo dahil sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Batay rin sa pinakahuling datos ng DOE, pumalo na sa P17.45 ang year-to-date total adjustments sa net increase ng kada litro ng gasolina, habang P29.10 naman sa kada litro ng diesel, at P24.30 sa kada litro ng kerosene.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng oil industry ang pagbabago ng presyo ng petrolyo depende sa mangyayaring palitan ngayong araw.

Facebook Comments