Presyo ng produktong petrolyo, nakaambang tumaas sa susunod na linggo

Naka-ambang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga importante ng industriya sa langis, posibleng maglaro sa seventy centavos hanggang piso ang taas presyo sa kada litro ng diesel.

Posibleng tumaas mula sixty centavos hanggang ninety centavos ang gasolina.


Batay naman sa naging kalabasan ng Mean of Platts Singapore sa unang apat na araw ng trading, posibleng magkaroon ng higit pisong taas-presyo sa kerosene.

Inaasahang lalabas ang opisyal na oil price adjustment sa Lunes, March 6.

Facebook Comments