Naniniwala si international security analyst Professor Rommel Banlaoi na posibleng humantong sa armed conflict o giyera ang lalong tumitinding tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ngunit sinabi rin ni Banlaoi sa panayam ng RMN Manila na posibleng pa itong mapigilan sa pamamgitan ng mga umaandar na diplomatic movements ng mga western countries
Layon din ng diplomatic movements na pagharapin sina US President Joe Biden at Russian President Vladimir Putin upang maayos na gusot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Samantala, nagbabala si banlaoi na malaki ang magiging epekto nito sa bansa partikular sa ekonomiya kung saan posibleng umabot sa 100 pesos kada litro ang maging presyo ng produktong petrolyo.
Pinangangambahan kasing umakyat sa 130 US dollars ang presyo ng kada barrel ng krudo na ngayon ay nasa 91 US dollars.