Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa posibleng ₱100 kada litro sa presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay kapag nagpatuloy ang araw-araw sa bawat linggo na pagtaas ng presyo nito.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Energy Usec. Gerardo Erguiza na bagama’t posible ito, hindi naman aniya mangyayari kung isang beses lang naman ang pagtaas sa isang linggo.
Pero kung nagpapatong-patong at tuloy-tuloy ang pagtaas bawat araw sa bawat linggo, may posibilidad na humantong nga ito sa ₱100 sa kada litro.
Ngayong araw, magiging epektibo ang panibagong oil price hike kung saan ito na ang ikatlong beses na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa magkakasunod na tatlong linggo.
Facebook Comments