Presyo ng produktong petrolyo sa mga probinsya, lagpas 90 pesos kada litro; presyo nito sa Odiongan, Romblon, higit 100 pesos na!

Pumapalo na sa 90 hanggang 100 piso ang presyo ng produktong petrolyo sa ilang probinsya kasunod ng panibagong oil price hike na ipinatupad kahapon.

Sa lungsod ng Ormoc, Leyte ay umabot sa ₱97.25 ang kada litro ng premium diesel habang nasa higit ₱90 naman ang kada litro ng gasoline.

Gayundin ang sitwasyon sa Zamboanga kung saan nasa higit ₱94 pesos na ang kada litro ng gasoline habang nasa higit ₱93 ang halaga nito kada litro sa bayan ng Claveria sa Cagayan.


Samantala, nasa nakakalulang ₱108 kada litro ng diesel at ₱107 kada litro ng gasoline ang naitala sa isang gasolinahan sa Odiongan, Romblon.

Sa kabila nito, nasa ₱60 lamang kada litro ang presyo ng gasoline sa bayan ng Bongao sa Tawi-Tawi kung saan paliwanag ng LGU ay galing sa Malaysia ang kanilang suplay na tawid-dagat lamang ang pagitan.

Facebook Comments