Sa ikalimang sunod na linggo, asahan na muli ng mga motorista ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa inisyal na pagtaya ng mga oil companies, tataas ang presyo ng diesel ng P0.60 hanggang P0.70 kada litro.
Nasa P0.80 hanggang P0.90 centavos naman sa kada litro ng gasolina at P0.40 hanggang P0.50 centavos sa kada litro ng kerosene.
Ang mga lokal na kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng mga paggalaw ng presyo sa mga produktong petrolyo tuwing Lunes, na ipapatupad sa Martes.
Nabatid mula sa idustriya ng langis na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ay resulta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa mundo kasunod ng pagbaba ng produksyon ng mga bansang gumagawa ng langis, kabilang ang Estados Unidos.