Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong araw

Manila, Philippines – Tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw, Oktubre 31.

Madaragdagan ng P0.25 ang presyo kada-litro ng diesel at gasolina, habang P0.45 naman ang itataas ng presyo ng kerosene.

Ipinatupad ng Flying V ang dagdag-singil simula hatinggabi ng Oktubre 31.


Alas-6 naman ng umaga magpapatupad ng oil price hike ang Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil at Shell Philippines.

Facebook Comments