Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong linggo

Manila, Philippines – Asahan na ngayong Linggo ang panibagong price adjustment ng mga kumpanya ng langis.

Tinatayang tataas ang presyo ng diesel ng P0.15 hanggang P0.20 kada litro.

Magmamahal din ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang presyo ng kerosene.


Pero maaari namang hindi gumalaw o matapyasan ng P0.05 ang presyo ng gasolina.

Ang nasabing price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Facebook Comments