Magkakaroon ng big time oil price hike ang sasalubong sa mga motorist ngayong unang linggo ng bagong taon.
Base sa pagtaya, maglalaro mula ₱1.90 hanggang ₱2.00 ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang ₱2.20 hanggang ₱2.30 naman sa kada litro ng diesel.
₱1.80 hanggang ₱1.90 naman ang itataas ng kada litro ng kerosene.
Ayon sa mga taga-inudstriya, bunsod ng pagtaas sa demand ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo ang nagbuhat sa pagtaas ng presyo sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Dagdag pa rito ang mahinang palitan ng piso kontra dolyar.
Sa kabila nito, bumaba naman ng presyo ng LPG simula kahapon kung saan ₱2.55 kada kilo ng isang tangke ang ibinawas sa presyo ng Solane, Petron Gasul at Phoenix Super LPG.
Facebook Comments