Presyo ng prutas, tumaas habang papalapit ang holiday season

Tumaas na ang presyo ng ilang prutas ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Sa Marikina Public Market, nasa ₱17.50 na ang presyo ng kada piraso ng mansanas, mula sa ₱10, habang ang malaking apple naman ay nasa ₱35 na, mula sa dating ₱25 at ang orange naman ay ₱45 na mula ₱30.

Halos doble rin ang itinaas ng presyo ng mga prutas na inihahanda tuwing holiday season.


Naglalaro ang presyo ng:

• Korean pear – ₱120 kada piraso mula sa ₱70
• Lokal na peras – ₱35 sa mula ₱25
• Grapes – ₱420 kada kilo, mula sa ₱250 hanggang ₱280
• China Grapes – ₱250 kada kilo, mula sa ₱150 hanggang ₱180
• Persimmon – ₱280 kada piraso, mula sa ₱180 hangang ₱200.
• Avocado- ₱400 kada kilo
• Mangga – ₱220 kada kilo
Chico – ₱200 kada kilo
•Dragon fruit – ₱300 kada kilo
• Fruit basket – ₱1,000

Hindi pa masabi ng ilang nagtitinda kung mas tataas pa ang mga prutas lalo na ngayong Pasko at Bagong Taon, pero base sa kanilang karanasan, mas tumataas ang presyo ng prutas ilang araw bago ang ng mga ito.

Facebook Comments