Sa ating panayam kay Ginang Len Benedicto, vendor ng mga rekado, magdalawang buwan na aniya ang mataas na presyo ng pulang sibuyas dahil na rin umano sa mataas na presyo ng puting sibuyas at nagkakaubusang supply nito sa storage.
Dahil sa mataas na presyo ng red onion ay naging matumal rin ang bentahan nito.
Para makabenta ang ilan sa mga nagtitinda ng rekado sa nasabing pamilihan, kanya-kanyang diskarte na lamang ang kanilang ginagawa gaya ng pagtitinda ng ‘tingi’ o paglalagay ng sibuyas sa maliliit na plastic at ibinibigay na lamang sa presyong Php10.
Ayon pa kay Ginang Len, bagamat nagkakaubusan aniya ng supply ng pulang sibuyas sa storage o sa mismong pinanggagalingan ng pulang sibuyas ay wala pa namang problema sa supply nito dito sa Lungsod ng Cauayan.
Samantala, sa presyo naman ng iba pang rekado tulad ng bawang ay nagkakahalaga pa rin ito ng P120 per kilo habang ang luya naman ay pumapatak sa P100 hanggang P80 per kilo.
Pareho din ang diskarte ng mga vendor ng panggisa sa nasabing pamilihan na nilalagay na lamang sa maliliit na plastic ang bawang at luya para makapamili ang mga customer na gustong bumili ng ‘tingi’.