Presyo ng pulang sibuyas, tumaas; Puting asukal, matumal pa rin ang pagbenta

Tumaas ang presyo ng pulang sibuyas sa ilang pamilihan.

Sa Pasay City Public Market, mula sa ₱120 kada kilo nito noong mga nakaraang araw ay pumalo ito sa ₱130 kada kilo.

Wala namang mabili na puting sibuyas sa nasabing pamilihan.


Paliwanag ng mga nagtitinda, tumaas kasi sa ₱550 hanggang ₱600 ang bentahan ng putting sibuyas sa merkado.

Samantala, nananatiling matumal ang bentahan ng puting asukal sa ilang pamilihan.

Dahil dito ay ipinauubos na lamang ng mga manininda ang kanilang stock nito at hindi na nag-replenish ng panibagong suplay.

Anila, mataas kasi ang puhunan dito na umaabot sa ₱96 kada kilo at naibebenta lamang sa ₱100 kada kilo.

Facebook Comments